Ang paggamit ng lambat ay isa sa mga pangunahing aktibidad sa pangingisda sa rehiyon; ang napakaraming itinapong lambat sa lawa ay nagdudulot ng panganib sa endangered species gaya ng West African manatee at freshwater turtle
Cameroon
Ang rehiyon ng Lake Ossa sa Cameroon, Africa ang ikalawang bansa kung saan itataguyod ang Net-Works. Ang team ay kasalukuyang nagtataguyod ng mga lokal na pagsososyo at imprastraktura, at magsisimula ang pagkolekta ng lambat sa rehiyong ito sa 2015.
Mahigit 80% ng mga sambahayang malapit sa Lake Ossa ang lubos na umaasa sa lawa at reserve bilang kabuhayan. Ang mga miyembro ay lokal na komunidad ay nagtitiis sa sobrang kahirapan, at may limitadong access sa edukasyon, mga mapagkukunang pinansyal, at mga serbisyong pangkalusugan.
Ang Lake Ossa Wildlife Reserve sa Lower Sanaga River ay tirahan ng mga endangered na West African manatee at freshwater turtle, at itinuturing ito bilang isa sa Mahahalagang Lugar ng Biodiversity batay sa bilang ng endangered species.
Ang mga itinapong lambat ay isang malalang problema para sa ecology ng lawa, dahil sumasabit ang mga ito sa mga manatee at iba pang freshwater species, nagdudulot ng peligro sa paglalakbay sa lawa, at nakakasira sa kalikasan.
Nilalayon ng Net-Works na alisin ang mga mapanganib na lambat na ito sa reserve, at gamitin ang mga ito bilang materyales para sa kapaki-pakinabang na carpet, habang nagbibigay ng socioeconomic na imprastraktura at mga pagkakataon sa komunidad sa lawa.