Net-Works

Isang inclusive na negosyong may positibong epekto sa lipunan, negosyo at kalikasan

Ano ang Danajon Bank? Kapaligiran

Ano ang Danajon Bank?

ni Ang aming panauhing blogger na si Michael Ready ay isang naturalist photographer at iLCP Fellow na nakatira sa San Diego, California  | 

Pagkatapos maglakbay nang dalawa’t kalahating araw; apat na eroplano, isang ferry [borador], at pagkatapos nagbiyahe sa dalawang outrigger [bangkang may katig], dumating ako sa Handumon, isang liblib na nayon at field station [himpilang may tanging tungkulin] sa Jandayan Island sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon, nakipagtulungan ang International League of Conservation Photographers (insert link www.ilcp.com) sa Project Seahorse (insert link www.projectseahorse.org) at sa Zoological Society of London (insert link www.zsl.org/conservation) sa isang pagsisikap upang maipakalat ang kaalaman tungkol sa isang napaka-espesyal na lugar.  Naglakbay ako kasama ng apat na underwater photographer, sina Claudio Contreras-Koob, Thomas Peschak, at Luciano Candisani mula sa Mexico, South Africa, Brazil at US, upang iulat ang isang di-kilala, ngunit napakahalagang bahagi ng mundo na tinatawag na Danajon Bank.

Noong una kong nalaman ang tungkol sa mga plano para sa isang ekspedisyon upang iulat ang Danajon Bank, itinanong ko ang itatanong ng halos lahat ng tao — Ano ang Danajon Bank? Hindi kilala ang natatanging likas na yamang ito sa karamihan ng mga tao sa mundo, kahit sa Pilipinas–ngunit hindi dapat ganoon.

Ang Danajon Bank (Da-na-haun) ay isang napakabihirang double barrier reef [dalawang hadlang na batong-dagat] sa rehiyon sa gitnang Visayas ng Pilipinas.  Umaabot ng 97 milya ang haba nito, magkaagapay sa mga isla ng Bohol, Cebu, Leyte, at Timog Leyte, at isa ito sa anim na double barrier reef sa mundo.  Ang Danajon Bank ay hindi lang isang pambihirang likas na pagka-ayos, itinuturing din ito bilang isa sa mga lugar na masaganang iba’t ibang uri ng yamang-dagat sa mundo, at isa itong lugar kung saan unang  pinagsimulan ng yamang-dagat sa buong Pasipiko.

Bilang mga photographer ng ILCP, pumunta kami roon upang iulat ang kagandahan ng Danajon Bank, pati na rin ang pagkasira ng napakasensitibo at nanganganib na likas na yamang ito.

Ang mga coral reef, mangrove, at seagrass biome [pook na may tanging umiiral na tanim] ay mahahalagang tirahan ng yamang-dagat na humihina na sa buong mundo.  Kasama na rito ang Danajon Bank, at isa itong magandang halimbawa ng karupukan ng mga system na ito at ang ating koneksyon sa mga ito.  Sa kasamaang palad, ang karamihan ng dating masagana at punung-punong yamang-dagat na mga reef ay mistulang alaala na lang ng nakaraan ng Danajon.  Dahil sa labis na pangingisda at malawak na paggamit ng mga mapanirang paraan ng pangingisda, nauubos na ang yamang-dagat at  may marahas na epekto na nakapinsala sa nangaganib na halos 200ng species [uri ng hayop] sa mga reef.  Dumagdag din ang pagkalat ng tauhan, pagdami ng populasyon, polusyon, at pagbabago ng klima na nagpatong-patong na mga hapit sa malaking ecosystem [kaugnayan ng lahat ng hayop, halaman at kapaligiran] na ito at sa mga taong sinusuportahan nito.

Sa tubig, agad kong napansin na halos wala nang isda roon.  Kumpara sa mga makulay at punung-puno ng yamang-dagat na mga reef na palagi kong nakikita sa mga tropical na karagatan sa katimugan, halos walang malalaking isda sa mga reef at lagoon [lawa] ng Danajon. Bilang resulta, umiwas na rin ang mga mandaragit gaya ng mga reef shark sa lugar na ito.

Ang blast fishing, ang paggamit ng mga paputok upang mapatay kaagad ang yamang-dagat, ay matagal nang ginagawa sa lugar na ito.  Bagama’t mapanganib at ilegal ito, nagpapatuloy ang gawaing ito nang palihim ngunit lubos na mapanira pa rin ito.  Ang paraan na ito na mabilis na paghuli ng isda, kasabay ng walang tinataning malalaking lambat na kinakaladkad sa ilalim ng dagat, ay nakasira sa mga reef sa buong Danajon Bank. Sa katunayan, hindi mahirap makahanap ng mga halimbawa ng mga patay o namamatay na reef–napakakaraniwan ng mga ito.  Habang lumalangoy ako malapit sa mga ito, pakiramdam ko na isa akong archaeologist na nakadiskubre ng mga nakalulungkot at nakamamanghang tira-tira ng isang dating sibilisasyon, habang iniisip ang dating hitsura ng mga ito.

Tinatayang isang milyong katao ang umaasa sa dagat ng Danajon upang may makain at mapagkakitaan. Wala nang mas nakakaalam tungkol sa nabawasang bilang ng isda at kawalan ng malalaking isda kaysa sa mga taong nakatira sa mga komunidad sa isla na ito.  Karaniwan, ilang maliliit na isda lang ang nahuhuli nila–kahit buong gabi na silang nangisda–sa mga islang pinuntahan namin.

Kumplikado ang mga suliranin rito, pati na ang mga kasagutan. Gayunpaman, dahil sa pagsusumikap ng Project Seahorse, ZSL at iba pa, may magandang dahilan upang magkaroon ng pag-asa. Nagresulta ang kanilang pagsusumikap sa loob ng nakaraang dekada sa pagkakatatag ng 34 na Marine Protected Area (MPA, o pook sa dagat na pinangangalagaan) sa mga isla sa Danajon Bank.

Ibang-iba na ngayon ang aming karanasan kapag sumisisid sa loob ng mga MPA na ito.  Sa loob ng mga protektadong lugar, bumabalik na ang yamang-dagat.  Lubos na kapansin-pansin ang pagkakaiba sa ilang sitwasyon, dahil sa napakaraming magagandang coral – nanunumbalik ang iba’t ibang yamang-dagat.  Sa loob ng isang MPA na tinatawag na Bilangbilangan, mistulang walang katapusan ang mga coral na tinatabunan ang lapag sa mababaw na dagat.  Kapag pumunta ka sa mas malalim na tubig, umaalsa sa alon ang malalaking sea fan (o gorgonian) at sponge.  Muling bumabalik kahit ang mga nanganganib na branch coral (Anacropora sp.).

Bagama’t bihira pa rin ang malalaking isda, tinitirhan ang makukulay na reef na ito ng maraming mas maliliit na species ng isda at mga invertebrate [mga walang tinik].  Naging napakasaya ang pagkuha ng larawan sa loob ng mga MPA dahil sa mga yamang-dagat na inaasahang makita sa tropical reef, gaya ng mga anemonefish, parrotfish, angel, at wrasse, at mga hindi inaasahang makita, gaya ng juvenile blue-edged sole (Soleichthys heterorhinos) at isang grupo ng messmate pipefish (Corythoichthys intestinalis), at nagkaroon ako ng ideya tungkol sa iba’t ibang anyo ng yamang-dagat na dating nakatira sa lugar na ito.

Ang mga tauhang nakatira sa rehiyon ng Danajon ay unti-unting nagbabago sa mga nagbibigay-lakas na paraang pangingisda, at naghahanap din sila ng mga alternatibo sa pangingisda, gaya ng seaweed farming [pagsasaka ng damong-dagat].  May opsyon na rin ngayon ang mga mangingisda na magkaroon ng dagdag na kita mula sa pagkolekta ng mga itinapong lambat sa pamamagitan ng Net-Works,  isang pagtutulungan sa pagitan ng ZSL at Interface, isang pandaigdigang gumagawa ng carpet tile [baldosang alpombra]. Sa kasamaang palad, napakarami ang mga itinapong lambat na ito at mapanira kapag hinayaan lang sa mga lokal na biome. Kapag nalinis na ang mga ito, iiimpake at ie-export ang mga lambat upang gawing mga carpet tile.

Dahil sa mga patuloy na pagsusumikap gaya nito, kasama ng mga dagdag at pinalawak na MPA, umaasa kaming bumalik ang malalaking isda at pating sa karagatan ng Danajon.

Kapag pumunta ako sa mga developing area [umuunlad na pook], madalas akong napaaalala na kaluhuan ang pangangalaga ng kalikasan para sa marami sa atin, o mukhang ganito.  Nagpapasalamat ako sa mga indibidwal at grupong nagsusumikap para sa mga taong nakasalalay ang buhay sa kalikasan.  Napaaalala din ako tungkol sa magkakalahok na pagkatao natin at sa iba’t ibang paraan kung paano tayo nakakonekta sa isa’t isa.  Dahil sa kabaitan at kagandahang loob ng mga bago kong kaibigan sa mga isla ng Danajon Bank, naging kumportable ako sa kanila, at nakisali pa nga ako sa paborito nilang libangan noong huling gabi ko roon, videoke.  Bigay-todo akong kumanta!

0 komento

Ibahagi ang iyong mga opinyon

Choose language

You appear to be viewing the website from within Japan.
Please select your language.

言語を選択

あなたは、日本国内から当ウェブサイトを閲覧しようとしてい ます。 表示する言語を選択してください。