Net-Works

Isang inclusive na negosyong may positibong epekto sa lipunan, negosyo at kalikasan

Mga makalumang lambat at makakating paa Pangkalahatan

Mga makalumang lambat at makakating paa

ni Amado 'Madz' Blanco (edited by Jon Khoo)  | 

“Kapag binigyan mo ng isda ang isang tao, mapapakain mo siya sa isang araw; kapag tinuruan mong mangisda ang isang tao, habambuhay mo siyang mapapakain”

Ito ang karaniwang kasabihan ng social enterprise sa developing world. Kumuha ng inspirasyon dito ang Net-Works, sa halip na isda ay nagbibigay kami ng access sa pananalapi at nagreresulta ito sa dagdag na kita para sa pamilya.

Naisip mo na ba kung ano ang mangyayari kung susubukan mong turuan ang isang tao mula sa lungsod kung paano mangisda bilang taga-nayon? Baka isipin nilang nababaliw ka.

Ang pagtalakay tungkol sa epekto sa kalikasan ng mga plastic, at pag-uugnay nito sa ghost fishing at banking sa komunidad ay hindi simple – nakikipag-usap ka man sa isang komunidad o sa isang grupo ng mga negosyante, palaging may maguguluhan. Baka isipin nilang nababaliw ka.

Ngunit palaging may “eureka” na sandali kung saan nagkakaroon ng linaw ang lahat.

Kamakailan lang, nakipag-usap ako kay Amado “Madz” Blanco, ang aming Project Manager (Net-Works) sa ZSL-Philippines tungkol sa mga sandaling ito – kung saan nauunawaan ng mga komunidad ang Net-Works at ang magagawa nito para sa kanilang mga pamilya. Narito ang tatlong kuwento ng “mga eureka na sandali” na ito sa mga komunidad na binisita namin sa nakalipas na dalawang taon:

Mga makalumang lambat at makabagong pag-iisip sa Negros Oriental

“Pumunta kami sa isang lugar sa Negros Oriental at ipinaliwanag ko na umaabot ng 600 taon bago
mabulok ang plastic at kung paano makakahuli ng isda ang mga lambat na itinapon sa maling paraan, na nagreresulta sa kaunting huli ng isda. Habang nagsasalita ako, napansin kong nakangiti sa akin ang ilang tao… Naintriga ako, bakit sila mapapangiti sa mga istatistika at isyu sa kalikasan na ito.”

“Napag-alaman ko na itinago ng mga tao sa nayong ito ang mga lambat mula pa noong huling bahagi ng 1960s at 1970s… ayaw nilang sunugin ang mga ito para sa wala, walang dahilan upang magsunog ng isang bagay para sa wala.”

“Ipinaliwanag nila na ang dahilan kung bakit sila nakangiti ay napatunayan nilang tama ang kanilang desisyon dahil sa aming pagbisita.”

“Dagdag pa rito, ipinaliwanag nila kung paano naipakita ng mga lambat ang pagkalugi ng mga pangisdaan sa Pilipinas. Simula noong 1960s, habang lumilipas ang mga dekada ay nakita naming lumiit ang mga mesh size (Ed. ang mesh size ay ang sukat ng mga butas sa mga lambat)… ang mesh size ng 1970s ay medyo malaki, ngunit nakakahuli pa rin ito ng maraming isda/alimango, subalit ngayon, nakikita naming gumagamit na ang mga tao ng mga lambat na maliit ang mesh size dahil kaunti na lang ang nahuhuli nila.”

Halaga ng lambat para sa isang babae sa Cogtong Bay

Noong bumita kami sa Cogtong Bay upang magsalita tungkol sa Net-Works at pagkolekta ng mga lambat, nilapitan ako ng isang babae upang sabihin na nagsunog siya ng 3 sako ng lambat, kahapon lang. Ang pagtanto na maaaring may halaga ang mga ito ay naging dahilan upang magsisi siya, dahil naunawaan niya ang halaga ng nawala. Hindi ko makakalimutan ang reaksyon ng kanyang mukha noong napagtanto niya ang nawala sa kanya. Hindi niya iyon kasalanan, ngunit iyon ang pagbabagong magagawa ng Net-Works.

Makakating paa sa Pinamgo

Sa Pinamgo, ipinapaliwanag ko ang presyo para sa mga lambat. Nararamdaman kong
hindi kumportable ang mga tao, kaya hindi rin naging kumportable ang pakiramdam ko. Noong una, inisip ko na baka iniisip nila ang tungkol sa masasamang epekto ng mga lambat dahil sa mga sinabi ko, ngunit hindi pala. Mukha silang mga paputok na malapit nang sumabog…. Pagkatapos, napagtanto ko na gusto lang pala nilang
makaalis na upang mangolekta ng mga lambat mula sa mga kasalukuyang dump site. Naunawaan nila ang pagkakataon at gusto nilang makaalis na at mangolekta ng mga lambat.

Upang masulyapan ang pamumuhay ng mga komunidad na nakikipagtulungan sa amin, tingnan ang aming pinakabagong Net-Works.

Sa post na ito:

|

0 komento

Ibahagi ang iyong mga opinyon

Choose language

You appear to be viewing the website from within Japan.
Please select your language.

言語を選択

あなたは、日本国内から当ウェブサイトを閲覧しようとしてい ます。 表示する言語を選択してください。