Net-Works

Isang inclusive na negosyong may positibong epekto sa lipunan, negosyo at kalikasan

UNDER PRESSURE – Pagbubungkos ng mga lambat nang hindi gumagamit ng kuryente Pangkalahatan

UNDER PRESSURE – Pagbubungkos ng mga lambat nang hindi gumagamit ng kuryente

ni Luca Achilli and Jon Khoo  | 

Gaano ka kagaling mag-impake? Gaano karami ang kaya mong pagkasyahin sa bagahe mo? Tinitiklop mo ba nang maayos ang damit o isinasaksak na lang ang lahat ng ito basta-basta?
Ang pag-iimpake ng mga itinapong lambat mula sa aming proyektong Net-Works ay kagaya ng pag-iimpake ng napakalaking maleta na puno ng mga lambat (at pagtitiklop ng mga ito na parang propesyunal)

Walang espesyal na pagtrato para sa pagsososyo sa Net-Works, at hindi rin namin gustong magkaroon ng espesyal na pagtrato. Kapalit ng bayad para sa aming mga lambat, sumasang-ayon kaming matugunan ang mga kinakailangang hinihingi sa anumang regular na supplier ng Aquafil, kailangan nitong makasabay. Kailangan nating matiyak na tama ang uri ng nylon ng mga lambat, na malinis ang lahat ng ito at maiimpake namin ang mga ito sa isang container para sa shipping.

Ang hamon: Mga Lambat: Hindi Madaling Pagkasyahin
Ang problema ay hindi dense ang mga lambat… sa katunayan…kapag inalis sa pagkakabungkos, madaling magkakasya ang 3,000kg ng lambat sa isang cube na shipping container na 40ft ang taas. Halos kasinglaki iyon ng isang 50-seater na coach o school bus. Upang matugunan ang mga pamantayan ng Aquafil, kinailangan namin itong i-multiply mula sa density na humigit-kumulang 40kg/m3… sa 200kg/m3… limang beses na mas dense.

Si Luca Achilli, ang Innovation Project Manager sa Interface, ang nanguna sa operasyong iyo. Ani niya, “May karanasan na ako sa pag-compress ng mga materyales, ngunit hindi kagaya nito, naalala ko na iniisip ko noon na magiging mahirap ito dahil sa ilang bagay: pagbubungkos nang walang kuryente, napakahalaga ng sukat ng bungkos, pagkuha ng mga tamang strap upang hindi maghiwa-hiwalay ang mga bungkos at pagpapadala ng mga bungkos mula sa isla patungo sa Cebu, patungo sa container – mahirap ang lahat ng ito.”

Dagdag pa sa mga materyales, ginawa ang baler mula sa kumbinasyon ng karaniwang physics, prototyping at determinasyon. Ang una naming nagawa ay isang hand-operated na baler na gawa sa kahoy na gumagamit ng mga lever, gaya ng makikita mo sa larawan, naging baler ito na gumagamit ng apat na tao at walong kamay.

Ang susunod na hakbang ng ebolusyon ng baler ay ang paglalagay ng pneumatic na suporta… sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bottle jack (ang parehong uri ng device na gagamitin mo upang iangat ang isang kotse, kung saan iko-compress ang hangin upang iangat ang jack). Mabisa ito – parang isang power squeeze. Ngunit mayroon itong masamang epekto, habang iniipit mo ang mga lambat, mas malamang na pumutok ang mga ito at maalis sa pagkakabungkos. Dagdag pa rito, napakabagal ng proseso… upang mabawasan ang mga gastos, kailangan mo ng mahusay at mabilis na pagbubungkos.

Dahil nakahanap na kami ng paraan upang panatilihing nakabungkos ang mga lambat gamit ang paglalagay ng strap, bumalik ang aming atensyon sa mabilis na pagbubungkos ng mga ito… Saan ka kukuha ng inspirasyon?

Para sa amin, nagmula ang inspirasyon sa hindi pangkaraniwang pagkakapareho. Noong humingi kami ng ideya mula sa dibisyon ng manufacturing ng Interface, may naisip si Ton Van Keken, ang Senior Vice President for Operations (EMEA)… gumagamit ka ng screw-press para sa pagpisa ng mga ubas at subok na subok na ang system na ito sa loob ng daan-daang taon ng paggamit. Kapag tiningnan mo ang aming pinakabagong baler, makikita mong idinagdag sa kasalukuyang modelo ang screw-press na hinango sa ubasan.

Dapat ding bigyan ng kredito si Dr Nick Hill at Amado “Madz” Blanco para sa pagsasabuhay ng mga ideya at plano ni Luca sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na karpintero at metalworker. Nakipagtulungan din sila sa mga komunidad upang sanayin ang mga nagpapatakbo ng baler … isa pang halimbawa ng pagkakataong magtrabaho sa nayon na pinasimulan ng Net-Works.

Matutulungan mo ba kaming pahusayin ang aming baler?
Nagkaroon ka na ba ng problema na nangailangan ng malikhaing engineering upang malutas? Gusto naming marinig ang mga kuwento mo. Gusto rin naming pahusayin ang aming baler at ang proseso ng pagbubungkos, kaya mangyaring ipagbigay-alam sa amin kung mayroon kang anumang mga suhestyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iyong komento sa ibaba.

Sa post na ito:

0 komento

Ibahagi ang iyong mga opinyon

Choose language

You appear to be viewing the website from within Japan.
Please select your language.

言語を選択

あなたは、日本国内から当ウェブサイトを閲覧しようとしてい ます。 表示する言語を選択してください。